Malacañang: Walang basehan upang isipin na magiging mahigpit si Biden sa war on drugs sa PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Incoming US President Joe Biden at Pangulong Rodrigo Duterte
Larawan mula sa: Twitter

Iginiit ng Malacañang noong Lunes na walang basehan ang usap-usapan na magiging mahigpit si incoming US President Joe Biden sa mga patayang nagaganap sa Pilipinas bunsod ng kampanya kontra droga.

Ang inagurasyon ni Biden, 77-anyos, kaalyado ni dating US President Barack Obama na minura-mura ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pambabatikos nito sa war on drugs, ay gaganapin sa Enero 20.

“Wala po kaming comment d’yan. Wala pong basehan iyan,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Ang meron po tayo ay mainit at malapit na relasyon sa bansang Estado Unidos,” dagdag pa nito.

Pinuri ni outgoing US President Donald Trump si Duterte para sa kanyang “unbelievable job on the drug problem”.

Para naman kay Duterte, isang “good president” si Trump na nararapat ma “re-elect”, ayon sa dating spokesperson ng pangulo na si Salvador Panelo, noong 2020.

Noong Nobyembre, sinabi naman ni Roque na mayroong “open mind” si Duterte tungkol kay Biden.

Aniya, “It will be a new start, but we have no prejudgements as far as President-elect Biden is concerned other than the position that we’re able and willing to work with all leaders of the world.”

LATEST

LATEST

TRENDING