Duterte, sinabihan si Galvez na maging transparent kay Sotto hinggil sa Covid-19 vaccine deals

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na ibahagi ang mga detalye tungkol sa Covid-19 vaccine procurement kay Senate President Vicente Sotto III upang matiyak ang “transparency,” matapos itikom ng kalihim ang bibig nito hinggil sa presyo ng mga bakuna, wika ni Senador Bong Go.

“[I]natasan niya si Secretary Galvez na ipaalam ang kasunduan kay Senate President Sotto,” ani Go sa isang video message noong Martes.

Ang utos ng pangulo ay matapos bigyang diin ni Galvez ang kahalagahan ng pagsunod sa confidential disclosure agreements sa mga vaccine manufacturers.

“Maaari pong mawala sa atin ang 148 million doses na nine-negotiate po natin sa mga vaccine companies kapag lumabag po tayo sa ating kasunduan,” giit ni Galvez.

Ang nasabing 148 milyong doses na kasalukuyang tinatalakay sa pitong vaccine manufacturers, ay makapagbabakuna sa tinatayang nasa 50 hanggang 70 milyong Pilipino sa dulo ng taon, kung masusunod ang plano.

“Nakita po natin na sa pandemic po na ito, kailangang-kailangan po natin ang cooperation po ng Senado at ng ehekutibo para magkaroon po tayo ng tinatawag na whole-of-nation, whole-of-government approach,” dagdag pa ni Galvez.

LATEST

LATEST

TRENDING