Duterte, sang-ayon magpabakuna ng Sinovac vaccine subalit ayaw ‘ipakita sa publiko’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Sumang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapabakuna ng CoranVac Covid-19 vaccine na gawa ng kumpanyang Chinese na Sinovac, subalit hindi sa harap ng publiko, paglilinaw ng Malacañang noong Martes.

“Opo. And his answer was ‘no problem, I will take the vaccine as soon as it is available’,” ani said Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Pero ang sabi niya, hindi na kinakailangang ipakita ito sa publiko,” paliwanag ni Roque, habang binanggit na ang pagbabakuna sa pangulo ay tulad ng ginawa nina Queen Elizabeth II at Prince Philip, na hindi isinagawa sa harap ng publiko.

Sinabi naman ni Roque na inaanunsyo ng Palasyo ang pagbabakuna ay Duterte kapag nangyari na ito.

Sa briefing noong Lunes, hinikayat ng tagapagsalita ng pangulo ang publiko na hintayin ang desisyon ni Duterte kung mauuna itong turukan ng bakuna kontra Covid-19.

LATEST