Roque: ‘Wag tingnan kung anong lugar ang pinanggalingan ng Covid-19 vaccine sa pagsusuri nito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Dinipensahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kanyang naging unang pahayag tungkol sa pagkakaroon umano ng mga Pilipino ng “colonial mentality” dahil sa pagkiling sa Western vaccine brands tulad ng Pfizer.

“Pasensya na po kayo, ano. Ako po’y kilala bilang isang spokesperson na diretso magsalita, wala po akong pakialam, noh, basta ako katotohanan lamang. At ang katotohanan po may ilan po sa atin, lalong-lalo na yung kritiko ng gobyerno, na ang pagtingin nila sa bakuna ay depende kung saan po nanggaling,” paliwanag ni Roque.

Umani ng pambabatikos noong nakaraang linggo si Roque mula sa netizens dahil sa mga paratang nito tungkol sa pagkakaroon ng “colonial mentality” ng ilang Pilipino dahil sa pagpili sa Pfizer vaccine.

“So sa mga mayroong colonial mentality na gusto ang Pfizer, well, pwede po kayong mag-antay pero ang ating warning po ay talagang diyan lang po iyan maibibigay dito sa Pilipinas sa mga major na siyudad kasi wala naman talaga tayong cold chain capacity outside of Metro Manila na -70 (°C),” giit ni Roque noong Enero 11.

Ayon sa opisyal, regular umano nilang iniimbitahan ang vaccine experts tulad nina Dr. Rontgene Solante, Dr. Lulu Bravo, at Dr. Edsel Salvana para bigyan ng impormasyon ang publiko kung paano susuriin ang mga bakuna.

Aniya, “Ang dapat tignan natin kung ito ay ligtas at kung ito po’y epektibo. At wala po tayong tuturok kung hindi po natunayang ligtas o epektibo, kahit saan pa po sila gawa.”

Inakusahan ang pamahalaan dahil sa umano’y pagpapabor nito sa Chinese vaccine brand na Sinovac bagama’t mas mahal ito at may mababang efficacy rate base sa clinical trials kumpara sa ibang mga bakuna. Subalit, tinanggihan ito ng Malacañang.

LATEST

LATEST