PH, malapit nang makabili ng 20-M Covid-19 vaccine doses mula sa Moderna

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Reuters

Malapit nang makapag-procure ang Pilipinas ng hanggang sa 20 milyong doses ng Covid-19 vaccines mula sa American pharmaceutical company na Moderna – matapos ang ilang buwang negosasyon, pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. noong Lunes.

Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Health, inanunsyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na bibili ang bansa ng mga nasabing doses, kung saan paghahatian ito ng gobyerno at pribadong sektor.

“For Moderna, sinasabi ni Ambassador ‘Babe’ Romualdez I can already announce na 20 million doses ang makukuha natin,” ani Galvez.

Dagdag pa nito, “[That is] 10 million for the private sector and 10 million from the government.”

Inanunsyo na ito ni Romualdez noong nakaraang linggo.

“The Philippine government is in the final stages of negotiating for the supply of a minimum of 10 million doses of mRNA-1273, the company’s COVID-19 vaccine, with the option to purchase an additional 10 million doses,” pahayag nito.

Kapag na-close na ang deal, ide-deliver ang mga bakuna sa kalagitnaan ng taon, paglilinaw ni Romualdez.

Ang Moderna ay isa sa mga vaccine brands na ginagamit na sa US, kasama ng Pfizer. Ang Moderna vaccine ay mayroong 94.1% na effecacy rate kontra Covid-19, habang ang Pfizer naman ay mayroong 95%.

Pagdating naman sa storage, hindi nangangailangan ng ultra-cold storage ang Moderna dahil puwede itong ilagay sa minus-20 degrees Celsius, hindi tulad ng Pfizer na dapat ilagay sa minus-75 degrees Celsius.

Ayon kay Romualdez, nangako umano ang pribadong sektor sa pangunguna ni Enrique Razon, chairman at president ng International Container Terminal Services, na sasagutin ang gastos ng shipping para sa Moderna vaccines na manggagaling mula sa manufacturing facility sa Spain.

Sinabi ni Galvez na nakapagtiyak na ang gobyerno ng 30 milyong doses ng Covovax mula sa Serum Institute of India at 25 milyong doses naman ng Sinovac vaccines galing China.

Ito ay bukod pa sa advance purchases ng AstraZeneca vaccines ng mga local government units at private firms sa pamamagitan ng tripartite agreements.

Umaasa ang pamahalaan na darating sa Pebrero ang 50,000 doses ng Sinovac vaccine, subalit maaari rin umanong dumating nang mas maaga ang Pfizer vaccines kung papayagan ng global COVAX facility ang apela ng Pilipinas.

LATEST

LATEST