Gobyerno, binuwag ang kasunduan na nagbabawal sa pagpasok ng mga awtoridad sa UP campuses

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
UP Diliman noong Diliman Commune (1971)
Larawan mula sa: University of the Philippines Facebook page

Winakasan ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of National Defense (DND) ang deka-dekadang kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa mga awtoridad na pasukin ang mga campuses ng unibersidad.

Sa isang liham noong Enero 15, sinabi ni DND Secretary Delfin Lorenzana na ang nasabing kasunduan o accord ay “terminated or abrogated effective this date.”

Base sa accord na nilagdaan noong 1989, ipinagbabawal ang pagpasok ng mga awtoridad sa UP campuses nang walang pahintulot mula sa university administration.

Kung tuluyang maipapatupad ang termination ng nasabing accord, mangangahulugan itong maaari nang pumasok nang malaya sa UP campuses ang mga pulis at sundalo.

Ayon naman sa kalihim, ang pagbuwag ng accord ay dahil umano sa recruitment activities ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army – na idineklarang terrorist organization ng administrasyong Duterte.

“This department intends to remedy this situation by terminating or abrogating the existing agreement in order for us to perform our legal mandate of protecting our youth against CPP/NPA recruitment activities,” pahayag ni Lorenzana sa kanyang liham.

Binanggit naman ni Lorenzana na hindi magtatayo ang gobyerno ng outpost o istasyon sa campus.

Ang UP campuses ay naging sandalan para sa student activism simula pa noong Dekada ’80. Ito ay resulta ng talamak na pamamaslang at kaso ng disappearances sa paligid ng mga campuses noong mga panahong iyon.

LATEST

LATEST

TRENDING