DILG: Economic amendments ng Cha-cha, makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Interior Undersecretary Jonathan Malaya

Makatutulong umano ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon upang pabilisin ang pagrekober ng ekonomiya na bumagsak dahil sa Covid-19 pandemic, wika ng isang opisyal noong Lunes.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa briefing, ang pagtanggal umano sa “restrictive” economic provisions ng Saligang Batas ay makapagbubukas ng ekonomiya para akitin ang foreign investors.

Aniya, “Makakatulong sa ating bansa kung mas lalago ang foreign direct investment sa ating bansa.”

Makatutulong umano ito upang makabangon ang ekonomiya ng bansa na lubos na naapektuhan dahil sa pananalasa ng pandemiya.

Lumiit ang ekonomiya ng bansa nang 11.5% sa third quarter ng 2020. Subalit, mas mababa naman ang July-September decline kumpara sa record na 16.9% contraction noong ikalawang quarter ng 2020, kung saan lumagpak sa resesyon ang ekonomiya sa kauna-unahang pagkakataon sa halos 30 taon.

“Para po sa amin sa DILG, mahalaga po ‘yan dahil kailangan natin maka bangon dito sa pandemyang ating kinakaharap.” dagdag pa ni Malaya.

Kumalap din umano ang DILG ng tinatayang nasa 600,000 na pirma ng mga Pilipinong pabor sa pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng signature campaign sa 72 lalawigan bago pa man magkaroon ng pandemiya.

“Ang DILG ay umikot sa 72 provinces across the country bago mag pandemya. Napaka lakas po ng suporta ng ating mga kababayan,” paliwanag ni Malaya.

LATEST

LATEST

TRENDING