Roque: Presyo ng Sinovac galing China, halos ₱650 bawat dose

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Nicolas Asfouri (AFP)

Ibinunyag ni Presidential spokesperson Harry Roque kung ano ang presyo ng Sinovac Covid-19 vacciine na gawa ng Sinovac Biotech mula China.

Ang presyo umano ng CoronaVac na gawa ng Sinovac ay malapit sa ₱650 kada dose o ₱1300 para sa dalawang doses. Ang impormasyon umanong ipinadala ng Department of Health (DOH) sa Senate Committee on Finance, kung saan nagkakahalaga ang dalawang doses nang ₱3,629, ay pawang “fake news.”

“Ang ating presyo, bagama’t hindi pa po puwedeng i-anunsiyo kung ano talaga ang presyo ng Sinovac ay hindi po nagkakalayo o hindi nalayo doon sa presyo ng Indonesia nasa bandang ₱650 kada po turok,” ani Roque noong Linggo.

Ayon naman kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang ipindalang report ng DOH sa Senado noong 2020 ay base sa market price estimates. Nagkaroon na umano ng mga pagbabago matapos ang negosasyon subalit hindi puwedeng ihayag ang aktwal na presyo sa ngayon dahil sa non-disclosure agreements.

“We are already undertaking specific negotiations with the different manufacturers. Mayroon nang negotiated prices na lumalabas,” wika ng opisyal noong Lunes.

Bagama’t hinihikayat ng mga mambabatas at ng publiko, tumanggi ang mga opisyal na ibunyag ang mga presyo ng bakuna dahil sa non-disclosure agreement sa Chinese government. Subalit, sinabi naman ni Roque at ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ang presyong sinisingil sa Pilipinas ay isang “BFF price” sapagkta direktang nakikipag-ugnayan ang bansa sa mga opisyal ng China, kabilang si Chinese Ambassador Huang Xilian.

Iginiit naman ni Senador Panfilo Lacson na posibleng may nangyayaring kurapsyon sa vaccine procurement dahil sa pagkakaiba ng presyo ng Sinovac sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa.

Ito ay matapos lumabas sa isang news article sa Bangkok Post na ang isang dose ng CoronaVac ay nagkakahalaga lamang ng $5 o P240. Ang nasabing report na inilabas noong Enero 16 ay nagpakita rin ng mga datos mula sa World Health Organization at drug manufacturers.

“The difference in prices of Sinovac vaccine at US$5, US$14 and US$38 reminds me of an old story about how corruption is committed in three Southeast Asian countries — UNDER the table, ON the table, and INCLUDING the table,” ani Lacson sa isang tweet.

LATEST

LATEST

TRENDING