Pamahalaan, layong mabakunahan kontra Covid-19 ang 70-M Pinoy ngayong 2021

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ngayong taon, layunin ng pamahalaan na bakunahan ang milyun-milyong Pilipino kontra Covid-19, na ikinasawi ng libu-libo at nagdulot ng resesyon sa ekonomiya.

Kasalukuyang nakikipag-usap ang mga awtoridad sa pitong vaccine manufactuterers upang makapag-secure ang bansa ng 148 milyong doses, para bakunahan ang aabot sa 70 milyong katao.

Ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ay naturukan na ng Covid-19 vaccines noon pang Setyembre 2020, subalit kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon upang alamin kung paano na-“smuggle” ang mga nasabing bakuna sa bansa.

Wala pang opisyal na bakunang naide-deliver sa bansa, subalit iginiit ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maaaring dumating ang unang batch sa Pebrero. Sinabi ng World Health Organization (WHO) noong Enero 6 sa isang media briefing na “on track” ang bansa para sa isasagawang vaccine rollout.

Dalawa ang paraan kung paano makararating ang mga bakuna sa mga Pilipino. Ang isa ay sa pamamagitan ng procurement, na responsibildad ng national government, subalit maaari ring pumasok sa tripartite agreements ang pribadong sektor at local government officials.

Ang isa naman ay sa pamamagitan ng phase 3 clinical trials, isang kritikal na stage kung saan libu-libong katao ang tuturukan ng bakuna upang masuri ang kaligtasan at pagiging epektibo nito. Sa normal na sitwasyon, ang phase 3 tests ay paraan upang matukoy kung aaprubahan ng pamahalaan ang bakuna para sa taumbayan.

Base sa ikalawang linggo ng Enero, inanunsyo ng mga opisyal na nakapagtiyak na ng 72 milyong Covid-19 doses ang bansa subalit nilinaw na ang mga galing sa Sinovac ng China ay hindi pa maituturing na “done deal.”

Ang malinaw lamang sa ngayon ay ang pagbili ng bansa ng 17 milyong doses mula sa kumpanyang AstraZeneca ng UK sa pamamagitan ng tripartite agreements na nilahukan ng mahigit 300 private companies at 39 local government units.

Sa isa namang Senate hearing, sinabi ni Finance Undersecretary Mark Joven na nakasaad sa isang term sheet na nilagdaan ng pamahalaan na magsusuplay ang Sinovac ng 50,000 doses sa bansa pagsapit ng Pebrero.

Umaasa ang pamahalaan na ang CoronaVac ng Sinovac ang unang makakarating ng Pilipinas, kasabay nang mga doses mula AstraZeneca at US drug maker na Pfizer.

Samantala, itinakda ring umarangkada ngayong buwan ang Solidarity Trial ng WHO, subalit hindi pa malinaw kung anu-anong mga bakuna ang ite-test para sa efficacy.

Binanggit naman ni Galvez na mag-e-enroll ang pamahalaan ng hanggang sa 15,000 volunteers, na hangga’t maaari ay mula Metro Manila.

LATEST

LATEST