LGUs, hinikayat na paigtingin ang contact tracing matapos matuklasan ang bagong Covid-19 variant sa PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Baguio City Mayor at contact tracing czar Benjamin Magalong Jr.
Kuha ni: Neil Clark Ongchangco (PIO Baguio)

Hinikayat ng contact tracing czar ng pamahalaan ang  mga local government units (LGUs) na paigtingin ang kanilang mga isinasagawang contact tracing matapos maitala sa bansa ang kauna-unahang kaso ng mas nakahahawang Covid-19 variant kamakailan.

Sinabi ni Baguio City Mayor at contact tracing czar Benjamin Magalong Jr. na hindi dapat umasa ang mga LGUs sa national government para sa pagpapatupad ng contact tracing.

“They should not simply rely on the Departemnt of Health, and the PNP. Dapat local governments should take the leap in contact tracing,” ani Magalong sa isang public press briefing noong Sabado. 

Unang iniulat ng Department of Health (DOH) na ang isang 29-anyos na lalakeng nakatira sa Barangay Kamuning, Quezon City, na nanggaling ng Dubai, ang kauna-unahang kaso ng bagong Covid-19 variant sa Pilipinas.

Lumipad pauwi ng bansa ang pasyente kasama ang kanyang girlfriend at agarang silang isinailalim sa quarantine.

Ang nasabing pasyente ay kasalukuyang asymptomatic at hindi na kinakailangang isugod sa ospital. Nag-negatibo naman ang girlfriend at kasalukuyang tinatapos ang quarantine.

Tinatayang nasa 143 close contacts o pasahero na ang na-contact ng mga awtoridad, kung saan 13 pa ang hindi nakikipag-ugnayan.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na 8 sa mga close contacts ang nakatira sa Quezon City. Sa mga ito, isa ang hindi pa nagpaparamdam sapagkat mali ang ibinigay nitong address at contact number.

Hinikayat naman ni Magalong ang mga awtoridad na sampahan ng kaso ang nasabing close contact na nagbigay ng maling impormasyon.

Aniya, “Dapat file-an siya ng kaso. Republic Act 11332. Mayroong nakasaad do’n na dapat, dapat you have to be very truthful sa mga data na binibigay mo… Kailangan file-an siya ng kaso kasi sanction ‘yon eh.”

LATEST

LATEST

TRENDING