Facebook page ng DSWD, na-hack umano

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Sabado na pinaiimbestigahan nito ang umano’y pangha-hack sa official Facebook page ng ahensya.

“We apologize for the apparent breach on the DSWD FB page,” sabi ng ahensya bilang pagtugon sa isang tweet ng isang media outfit na nag-ulat tungkol sa insidente.

“While we are investigating how our page has been compromised, we assure the public that initial actions have already been undertaken to avert similar instances from happening,” dagdag pa ng DSWD, bagama’t hindi nagbigay ng detalye kung anu-anong mga hakbang ang isinagawa.

Sa isang kasunod na tweet, pinasalamatan naman ng DSWD ang publiko na nagtawag sa kanilang pansin tungkol sa umano’y hacking.

Isa sa mga huling posts mula sa DSWD Facebook page ay ang tanong na: “Why are you doing business together, you idiot?” Ito ay burado na sa kasalukuyan.

LATEST

LATEST

TRENDING