Sotto: Presyo ng Covid-19 vaccine, hindi dapat ilihim sa publiko

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Senate President Tito Sotto
Kuha ni: Avito C. Dalan (PNA)

Hindi dapat ilihim ang kabuuang gastos ng mga ide-deliver na Covid-19 vaccines sa bansa, giit ni Senate President Tito Sotto noong Biyernes.

Sa isang panayam sa CNN Philippines, kinuwestyon ng senador kung bakit hindi ibinubunyag ng ilang opisyal ang aktwal na gastos para sa Sinovac vaccine, sapagkat kinakailangan aniyang malinawan ang publiko ukol dito.

Aniya, “I don’t know why they cannot tell us publicly.”

“It should not be confidential.”

“It’s the people who are worried. It’s not us, it’s not the Senate. They want to be clarified, they want to know more. Some are afraid, ‘di ba (right)?” diin ng Senate President.

Naunang pinabulaanan ni Vaccine czar Carlito Galvez ang mga kritisismo na isa ang Sinovac sa pinakamahal na bakuna sa merkado, at sinabing “quite cheap” ito at nakakuha umano ang Pilipinas ng “best price” para sa deal na ito.

Gayunpaman, naging tikom ang bibig nito tungkol sa totoong presyo ng mga bakuna alinsunod sa nondisclosure agreement.

Samantala, sinabi naman ni Sotto na kinokonsidera ng mga mambabatas ang pagsasagawa ng executive session kung patuloy na ililihim ng mga opisyal ang datos.

Anoya, “We go into an executive session and ask them and tell us what these confidential matters are.”

Binatikos ng mga netizens at ilang kongresista ang administrasyon dahil sa umano’y pagpapabor nito sa China-made Sinovac habang may agam-agam tungkol sa presyo at mababang efficacy rate nito base sa clinical trials.

Tiniyak naman ng Malacañang na walang paboratismong nangyayari hinggil sa procurement ng mga bakuna.

Kamakailan ay bumili ang Pilipinas ng 25 milyong doses mula sa Sinovac, kung saan inaasahang darating sa bansa ang inisyal na 50,000 doses ng mga ito. Nag-apply din ang nasabing kumpanya para sa emergency use authorization sa bansa, ayon sa Food and Drug Administration noong Huwebes.

LATEST

LATEST

TRENDING