Duterte: Hindi ‘pambabae’ ang pagiging pangulo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes na ang pinakamataas na posisyon sa bansa ay hindi “pambabae” habang tinanggihang tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022 ang anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

“My daughter, inuudyok naman nila. Sabi ko my daughter is not running. I have told Inday not to run kasi naawa ako sa dadaanan niya na dinaanan ko,” ani Duterte sa kanyang speech sa inauguration ng Skyway Stage 3.

“Hindi ito pambabae. Alam mo, the emotional set-up of a woman and a man is totally different. Maging gago ka dito. That is the sad story,” dagdag pa ng pangulo.

Nanguna si Mayor Sara sa listahan ng mga pinagpipiliang presidential candidates sa 2022 base sa resulta ng isang survey kamakailan.

Sinabihan umano nito ang ama noong Enero 8 na hindi niya balak tumakbo bilang pangulo sa 2022 elections.

“He also said he did not want me to run but nothing about gender was discussed,” giit ni Duterte-Carpio.

LATEST