Treatment czar, iginiit na ‘pinaka-importante’ ang contact tracing

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Ezra Acayan (Getty Images)

Idiniin ng coronavirus treatment czar ng bansa noong Huwebes ang kahalagahan ng contact tracing at sampling ng positive cases matapos maiulat sa bansa ang kauna-unahang kaso ng mas nakahahawang Covid-19 variant na nagmula sa UK.

Nagsasagawa na aniya ng contact tracing ang mga awtoridad para sa mga kasama sa flight ng 29-anyos na Pilipinong dumating sa bansa mula Dubai noong Enero 7, wika ni Health Undersecretary Leopoldo Vega.

Aniya, “Pinaka-importante ho dito would be contact tracing agad kung sino man ang naging direct contact up to 3rd level of generation contact at ma-quarantine talaga for 14 days.”

“Dapat mas madalas, regular na ang biosurveillance ng positive sample… atsaka yung mga positive cases na galing sa restrictive areas kailangan masampling sila lahat sa Philippine Genome Center,” dagdag pa ni Vega.

Magtatayo naman aniya ng hiwalay na ward para sa mga pasyenteng mahahawa ng mas transmissible na variant kung sakaling ito ay lalaganap.

“Kung magiging dominant po ang gagawin po namin talagang magbubukod kami ng ward for COVID (new) variant patients,” ani Vega.

LATEST

LATEST

TRENDING