Malacañang, idiniin na wala itong pinapaborang partikular na Covid-19 vaccine brand

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Inihayag ng Malacañang noong Huwebes na wala itong pinapaborang Covid-19 vaccine matapos lumitaw ang alegasyong pinapaboran nito ang CoronaVac na gawa ng Chinese pharmeceutical company na Sinovac.

“Ang pinag-uusapan lang po, aling bakuna ang makakarating sa lalong mabilis na panahon dito po sa Pilipinas,” giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang virtual briefing.

Dagdag pa nito, “Gaya nga ng aking nasabi na nung mga nauna nating press briefing, nagkataon lang na dahil meron tayong special na relasyon siguro sa Tsina, eh napagbigyan tayo at darating ng Pebrero ang Sinovac dito sa Pilipinas.”

Binanatan ng mga kritiko at ilang mambabatas ang administrasyon dahil sa umano’y pagpapabor nito sa Sinonac bagama’t mas mahal ito at mas mababa ang efficacy rate kumpara sa ibang brands, base sa clinical trials.

Idiniin naman ni Roque na hindi pinakamahal ang Sinonvac kundi ikatlo mula sa pinakamahal.

Sinabi rin nitong darating sa bansa ang maliit na bilang ng Pfizer vaccine doses sa susunod na buwan. Ang karamihan sa mga suplay nito na aabot sa milyun-milyon, ay darating pa sa huling bahagi ng taon.

LATEST

LATEST

TRENDING