Kamara, maglulunsad ng pagdinig hinggil sa vaccination plans ng pamahalaan sa Enero 18

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Magsasagawa ang Kamara ng sarili nitong pagdinig tungkol sa Covid-19 vaccine procurement plan ng pamahalaan, simula Lunes sa susunod na linggo.

Ang naturang hearing ay pangungunahan ng health committee, kung saan pinuno nito si Quezon 4th District Rep. Helen Tan. Iimbitahin bilang mga panauhin sina Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

“There have been a lot of differing opinions, mostly from non-medical experts, regarding government-procured vaccines,” ani Tan, na isa ring doktor, noong Huwebes.

Dagdag pa nito, “As such, we would like to hear from the experts themselves to determine facts and figures from a scientific point of view.”

Hinikayat din umano na lumahok sa pagdinig ang ibang mga ahensya tulad ng Food and Drug Administration, Research Institute for Tropical Medicine, World Health Organization, at ang Budget, Finance, Foreign Affairs, Interior at Defense Departments.

Dadalo rin umano sa nasabing pagdinig ang civic organizations tulad ng physicians at nurses groups.

Noong Lunes, nagsagawa ng pagdinig ang Senado hinggil sa isyu. Hindi sinang-ayunan ng mga senador ang aniya’y “monoployo” ng national government sa pagbili ng Covid-19 vaccines, kung saan nire-require pa ang mga local government units at pribadong kumpanya na pumasok sa isang tripartite deal sa national government.

LATEST

LATEST