Duterte, nabahala sa pagpasok ng bagong UK Covid-19 variant sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagkabahala tungkol sa pagkatuklas ng bagong Covid-19 variant sa Pilipinas, na mula United Kingdom.

“May bagong monster na naman. And I pray to God really na sana ay hindi ito more dangerous, more toxic than the original COVID (variant),” ani Duterte sa kanyang lingguhang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases meeting noong Miyerkules.

Umapela ang pangulo sa mga awtoridad na hanapin ang mga taong nakasalamuha ng pasyente na mayroong bagong variant upang makontrol ang paglaganap nito.

Aniya, “It’s important to find out who are the people they talked to when they arrived here. That’s very important, whoever they are. So they will be traced and found and be examined for their own good.”

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III kay Duterte na ang pasyente ay isang 29-anyos na real estate agent mula sa Barangay Kamuning, Quezon City.

Ang naturang pasyente ay nagpositibo sa Covid-19 at isinailalim sa quarantine nang makarating sa bansa. Matapos magpositibo sa virus kinabukasan, ine-refer ito sa isang isolation facility sa Quezon City, habang ang kanyang samples ay ipinadala sa PGC para sa whole genome sequencing.

“Both of the returning Filipinos had no exposure to a confirmed case prior to their departure to Dubai nor had any travel activities outside Quezon City,” paglilinaw naman ng Department of Health (DOH).

Samantala, ang iba pang mga pasahero na kasama ng pasyente sa flight ay tinutunton na. Inabisuhan ang mga lulan ng Emirates Flight No. EK 332 na makipag-ugnayan sa kanilang barangay health emergency response teams.

Bilang karagdagang precautionary measure, sinabi ng QC government na ang immediate household contacts ng pasyente ay dinala rin sa isang isolation facility upang ma-test.

Matapos ang nasabing balita, muling idiniin ng DOH ang panawagan nito sa national at local governments, pati na rin sa publiko, para sa striktong pagpapatupad at pagsunod ng health protocols laban sa Covid-19.

Ayon naman sa medical expert na si Dra. Lulu Bravo, mas hindi nakamamatay ang UK variant kumpara sa lumang Covid-19 variants subalit “highly more transmissible” ito batay sa inisyal na scientific studies.

LATEST

LATEST

TRENDING