Davao City, sinuspinde ang libreng swab tests para sa mga pasaherong paparating

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

Sinuspinde ng Davao City ang libre nitong swab tests para sa mga dumarating na pasahero sa Davao International Airport upang makapag-reallocate ng pondo para tugunan ang tumataas na bilang ng Covid-19 cases sa lugar.

Ayon kay Gene Rose Tecson, pinuno ng Davao City Tourism Operations Office, ipinahinto ang nasabing tests noong Enero 13. Ililipat umano ng city government ang pondo nito upang solusyunan ang pag-akyat ng Covid-19 cases sa nakalipas na mga araw.

Ang libreng reverse transcription polymerase chain reaction o RT-PCR tests ay ibabalik kapag nag-operate nang muli ang Los Amigos Covid-19 Laboratory.

Nanawagan naman si Tecson sa mga kalapit na local government units na sunduin ang kanilang mga residenteng na-stranded sa paliparan. Ang mga non-Davao City residents ay papayagang makalabas ng airport kahit walang swab tests basta’t makapagpepresenta ang mga ito ng kinakailangang mga dokumento at masusundo ng kanilang LGUs.

Ang mga nagnegatibong pasahero sa RT-PCR test sa nakalipas na 24-72 hours bago ang kanilang flights papuntang Davao City ay bibigyan nang prayoridad na makapag-exit.

Para naman sa mga Davao City residents na walang RT-PCR test results, i-che-check ang iba pang mga dokumento tulad ng health declaration forms.

Bibigyan din ang mga ito ng health monitoring form na isusumite sa kanilang Barangay Health Emergency Response Team, at ire-require ding sumailalim sa 14-day home quarantine.

Base sa huling datos mula Department of Health (DOH), halos 2,000 na panibagong Covid-19 cases ang naitala noong Huwebes sa bansa. Nanguna sa pinakamataas na increase ang Davao City sa 136 na mga bagong kaso.

LATEST

LATEST

TRENDING