‘Monopolyo’ aniya ng national gov’t sa vaccine procurement, kinuwestyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: The Scientist Magazine

Habang kanya-kayang diskarte ang mga lokal na pamahalaan para kumalap ng kanilang sariling bakuna kontra Covid-19, tinanong ng ilang senador kung bakit ganito ang kinakailangang gawing diskarte.

Para kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, parang sinosolo aniya ng national government ang pag-procure ng nasabing mga bakuna sa halip na bigyang awtoridad ang mga lokal na pamahalaan.

“It would appear na parang monopolized ng national government ‘yung pagbili ng bakuna, eh kaya naman ng pribado bumili din para sa kanilang mga empleyado. Katulad na rin ng LGU na kaya namang bumili para sa kanila. So why limit all to the national government?” giit ni Recto. 

Sinagot naman ito ng Food and Drug Administration (FDA) at sinabing hindi pa handa ang mga pribadong kumpanya para rito.

“Yung company po na magma-manufacture, hindi pa po magpapa-register, hindi pa po sila ready na magpa-register ng kanilang produkto for commercial distribution and for the use of general public. ‘Yung data nila is enough lang po para humingi ng emergency use authority,” wika ni FDA Director General Eric Domingo. 

Binanggit naman ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na hindi lang naman Pilipinas ang mayroong ganitong patakaran sapagkat ito ang umiral na regulasyon sa buong mundo.

Aniya, “It’s a global regulation… Most companies will not sell to the private considering this is a pandemic… So the arrangement is basically government to government… The vaccine company is authorized by themselves to only communicate with the government.”

Binigyang diin naman ng Department of Health (DOH) na hindi puwedeng kumilos ang mga LGUs para bumili ng bakuna nang walang permiso mula national government.

Sinabi naman ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na magkakaroon ng problema kung hindi idadaan sa pamahalaan ang transaksyon. 

“Kasi ‘yung AstraZeneca ‘yung program nila na zero profit talagang dapat dumaan sa government. Ayaw ng AstraZeneca na ibenta dito sa private sector directly,” sabi nito. 

LATEST