Galvez, tiwalang malalagpasan ang Covid-19 krisis dahil sa kooperasyon ng gobyerno at pribadong sektor

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Sinabi ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. noong Miyerkules na kumpiyansa siyang malalagpasan ng bansa ang Covid-19 pandemic sapagkat nagtutulungan ang gobyerno at pribadong sektor.

Sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte, pinangalanan ni Galvez ang mga pribadong kumpanyang nagpahiram ng mga consultants upang tumulong sa management ng supply chains ng mga bakuna.

“Palagay ko Mr. President, in short, kaya po natin. Kaya po natin kasi tulong-tulong po ang private sector at ang public sector,” ani Galvez.

Binanggit ng opisyal na ang mga service providers at pharmaceutical companies ay bumili ng isang $15,000 dollar mobile freezer na puwedeng paglagyan ng libu-libong vaccine doses.

“Actually bumili po sila ng tig $15,000 na refrigator na parang freezing ano, mobile freezer, at ‘yun po ay makakapag-karga ng mga more or less ilang hundred thousand na vaccines,” dagdag pa ni Galvez.

Sinabi rin ng opisyal na kukuha ang negosyanteng si Enrique Razon Jr. ng Moderna Covid-19 vaccine mula Spain.

Aniya, “‘Yung moderna, nag-negotiate din po kami kahapon ng umaga at positive din po. At nangako si Sir Enrique Razon na siya na ang kukuha sa Spain ng mga supplies, pro bono. Ang kaniyang mga barko atsaka kaniyang mga airplane ang kukuha para dalhin po dito sa atin ang vaccine.”

“Nangako rin po si Sir Enrique Razon na kakalapin niya ang mga business sector para makakuha ng at least, at a minimum, mga three to five million na doses para sa ating mga workers at donations po sa government,” dagdag pa nito.

Gagawa din aniya ng isang synchronization matrix ang pamahalaan para sa rollout ng vaccines.

“So ang gagawin lang po natin is gagawa po tayo ng magandang chart atsaka ‘yung synchonization matrix. I-syncrhonize lang natin na pagka-dating, agad i-deploy natin,” sabi ni Galvez.

Samantala, inihayag naman ni Health Secretary Francisco Duque III na kasalukuyang gumagawa ng arrangements ang Department of Health (DOH) para sa third party logistics providers.

“Sila po ang magsasagawa ng mula brokerage to storage, warehousing, hauling, and distribution. So end to end po ang gagawin nilang distribution and deployment system,” paliwanag ni Duque.

Dagdag pa ng kalihim, “At kakayanin po natin ito… kahit na ano pong temperature ang kinakailangan kasi iba’t ibang bakuna, iba’t iba pong temperatura ang kinakailangan.”

LATEST

LATEST

TRENDING