Galvez: Pamahalaan, sinisikap na makabili ng 145-M vaccine doses sa 2 linggo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
IATF vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr.

Magsisiguro ang bansa ng karagdagang 90 milyong doses ng Covid-19 vaccines sa susunod na dalawang linggo, wika ni IATF vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. noong Martes.

Ito ay bukod pa sa 30 milyong doses ng Covovax mula sa Serum Institute ng India at 25 milyong doses ng Sinovac ng China, pati na rin ang advance purchases ng local government units at private firms sa pamamagitan ng tripartite agreements.

Sa kabuuan, ang national government ay umaasang makapagtitiyak ng 145 milyong vaccine doses sa dulo nga buwan. Ito ay malapit sa target na pag-procure ng kabuuang 148 milyong doses, na sapat para mabakunahan ang 70 milyong Pilipino ngayong taon, dagdag pa ni Galvez.

Umaasa ang pamahalaan na darating ang 50,000 doses ng Sinovac sa Pebrero, subalit iginiit din ni Galvez na ang mga bakunang galing naman ng Pfizer ay posibleng makarating nang mas maaga. Ito ay kung aaprubahan ng COVAX facility ang apela ng Pilipinas para sa 44 milyong libreng doses.

“We are being evaluated,” ani Galvez.

Ang COVAX, na isang global initiative na pinangungunahan ng World Health Organization kasama ang vaccine alliance na Gavi at Coalition for Epidemic Preparedness Innovations, ay layong tiyakin ang patas na acccess para sa ligtas at epektibong bakuna kontra Covid-19.

Ang Pfizer ay mayroong vaccine efficacy rate na 95% at ginagamit na sa iba’t-ibang mga bansa. Subalit, hamon ang storage ng mga ito sapagkat kinakailangan ang mga itong ilagay sa temperaturang minus 70 degrees Celsius.

Ayon kay Galvez, nagsasagawa na ng arrangements sa mga cold storage facilities. Ang Pfizer at Moderna vaccines ay gagamitin sa highly urbanized areas, habang ang mga hindi naman nangangailangan ng ultra-cold storage, tulad ng AstraZeneca ay ide-deploy sa mga rural na pook.

Ang mga pribadong kumpanya at ilang lokal na opisyal ay nakipagkasundo na rin sa United Kingdom-based na AstraZeneca. 

Sa kabuuan, pitong vaccine brands ang inaasahang gagamitin sa Pilipinas – kung saan unang ide-deliver ang Sinovac, Pfizer, at AstraZeneca. Ang iba pang mga bakuna ay ang Moderna, Novovax, Johnson and Johnson, at Gamaleya Institute ng Russia.

Samantala, sinabi naman ni Galvez na nais ng Pfizer na magbigay ng mas mataas na volume, habang matatapos na rin ang pakikipag-usap sa Johnson & Johnson.

Nasa “final stages” na rin umano ang usapan sa Moderna para sa procurement ng hanggang sa 20 milyong doses, wika ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.

Inihayag naman ng Gamaleya sa pamahalaan na posible itong makapagsuplay ng 50 hanggang 100 milyong doses ng bakuna nitong Sputnik V.

“Maganda po ang ating negotiations. Ang binibilang na po natin ay meron na po kaming 145 (million) na volume na pwede naming masabi na within two weeks’ time ay pwede na nating ma-lock in,” ani Galvez.

Sinabi ng opisyal na inisyal na binalak ng pamahalaan na mag-procure ng 70 milyong doses lamang subalit nadoble ito nang ibaba ng pharmaceutical companies ang mga presyo.

Aniya, “During the negotiation, medyo maganda po ang naging offer ng ating mga manufacturer kaya naitaas po natin from 70 naitaas po natin ng doble.”

Upang pabilisin ang proseso ng vaccination sa bansa, hinikayat ni Galvez ang local government units na tukuyin ang listahan ng mga vaccine recipients at inoculation centers sa kani-kanilang mga lugar.

Hinikayat din nito ang mga lokal na opisyal na “magkaroon ng kumpiyansa” sa pagpili ng pamahalaa sa mga bakuna, lalo na’t ilang LGUs ang nagpahayag ng kanilang kinikilingang vaccine brands.

“Sana po kung ano po ang mauna, ang guidance ko lang po ay [Hopefully, whichever vaccines come first, my guidance is that] let’s have confidence in our government and vaccine expert panel na we really have to take it immediately,” sabi ni Galvez.

LATEST

LATEST

TRENDING