Duterte, gusto nang maging huli sa pagbabakuna kontra Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na uunahin sa pagbabakuna kontra Covid-19 ang mga frontliners at bulnerableng sektor kapag dumating na ang mga bakuna sa bansa, habang binanggit din nitong siya ang huling magpapabakuna.

“Priority is uniformed personnel,  mga sundalo natin, kasama sa priority, mauna talaga yung pobre, yung wala talaga. Kung milyon ‘yan (vaccine), magsabay-sabay na kayo, huli na kami. Kung may maiwan para sa amin kay (Senator) Bong (Go), kay (Secretary Delfin) Lorenzana, kung may maiwan eh di para sa atin, unahin natin sila,” ani Duterte sa kanyang lingguhang televised Cabinet briefing noong Miyerkules.

Noong Agosto 2020, iginiit na Duterte na nais niyang maunang magpabakuna ng Covid-19 vaccine sa harap ng publiko.

“Ako pagdating ng bakuna in public, para walang satsat diyan, in public magpa-injection ako. Ako ‘yung maunang ma-eksperimentuhan. Okay para sa akin,” sabi ng pangulo sa isang televised address noong Agosto 10, isang araw bago bigyan ng Russia ng regulatory approval ang vaccine candidate nitong Sputnik V.

Ayon sa pangulo, bukod sa health workers, kabilang din sa bibigyan ng prayoridad ang mga guro, social workers at iba pang kawani ng gobyerno, kasama ang mga nasa agrikultura, food, at turismo.

Aniya, “It’s an obligation imposed upon us governments to take care of your citizens. . . .Kung maaari lang, i-vaccinate mo ‘yung 100 million plus Filipinos.”

“Kung merong mga tao na ayaw, eh di ams mabuti, mauna na na ‘yung gusto and we can tone down the orders kung sobra-sobra,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST