Dominguez, ayaw i-delay ang pagtaas sa kontribusyon ng PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Finance Secretary Carlos Dominguez III 

Hindi sinang-ayunan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang hakbang na i-postpone ang pagtaas sa kontribusyon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sapagkat ito ay “malaking” problema umano dahil pinagbabantaan nito ang ibibigay na benepisyo para sa mga Pilipino.

Si Dominguez ay isang ex-officio member ng PhilHealth board.

“It is a big problem, the PhilHealth issue… We are working hard to make sure there’s enough money for it,” sabi ni Dominguez sa mga miyembro ng Management Association of the Philippines sa isang virtual meeting noong Martes.

Matapos umangal ang publiko, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo kay PhilHealth chief Dante Gierran na i-delay ang koleksyon ng mas mataas na premiums dahil sa kahirapang idinulot ng Covid-19 pandemic.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maghahanap ang national government ng karagdagang pondo para punan ang pagkukulang.

Sa ilalim ng Universal Health Care law, ang mga PhilHealth members ay kinakailangang mag-contribute nang 3.5% mula sa kanilang monthly income o sa pagitan ng ₱350 hanggang ₱2,450 kada buwan sa PhilHealth simula Enero 2021. Ito ay itataas hanggang sa maabot ang 5% o ₱5,000 sa 2025.

Naging sangkot ang ahensya sa iba’t-ibang isyu ng kurapsyon na umano’y nauwi sa pagkawala ng ₱15 bilyong pondo nito, ayon sa isang dating empleyado na naging whistleblower.

Inihalintulad ni Dominguez ang isyu sa personal insurance policies, kung saan ang pagtanggi na magbigay ng karagdagng pondo sa PhilHealth ay katumbas ng pag-forfeit sa karagdagang mga benepisyo.

Ang mga kontribusyon ay hinati sa pagitan ng mga manggagawa at kanilang empleyado. Subalit, ang mga self-paying members, professional practitioners, at migrant workers ay dapat magbayad nang buo.

“You put in less then you’re going to take out less. That’s just the story,” the Finance chief added. “You want to be insured? You want a higher pay out, you put in more. There’s no other way to do it sustainably,” giit ni Domiguez.

LATEST