China, at apat na iba pang bansa, isinama sa travel ban ng Pilipinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Cristina Arayata (PNA)

Isinama ng pamahalaan noong Martes ang China, Pakistan, Jamaica, Luxembourg, at Oman sa listahan ng mga bansang may travel restrictions dahil sa presensya ng bagong Covid-19 variant sa mga ito, na pinaniniwalaang mas nakakahawa.

Nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang foreign nationals na manggagaling mula sa mga bansang nabanggit ay hindi papayagang makapasok ng Pilipinas mula tanghali ng Enero 13 hanggang Enero 15. Ang mga Pilipino mula sa mga lugar na ito ay puwede pa ring makauwi subalit kinakailangang sumailalim sa 14-day facility-based quarantine kahit positibo o negatibo ang swab test result.

Matapos pumutok ang ulat ng panibagong Covid-19 variants, unang sinuspinde ng Pilipinas ang lahat ng flights mula United Kingdom simula noong Disyembre 24, at kinalaunan ay dinagdagan ang listahan.

Kabilang sa travel ban ang 33 na mga bansa, tulad ng Austria, Australia, Canada, Denmark, France, Germany, Hong Kong, Iceland, Ireland, Israel, Italy, Japan, Lebanon, Netherlands, Singapore, South Africa, South Korea, Spain, Sweden, Switzerland, the United States, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, at Brazil.

Magtatagal ang travel restrictions hanggang Enero 15, at pag-uusapan pa ng pamahalaan kung palalawigin ito. Wala namang paghihigpit para sa outbound travel.

Hindi naman nakapag-detect ang mga mananaliksik sa bansa ng panibagong Covid-19 variants base sa kinuhang samples noong Nobyembre at Disyembre.

LATEST

LATEST

TRENDING