Red Cross: Saliva test, puwedeng pumalit sa swab test

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Philippine Red Cross chairman Senador Richard Gordon

Nagsagawa ng pilot testing ang Philippine Red Cross (PRC) para sa saliva tests noong Martes, habang iginiit na puwede itong gamitin bilang alternatibo sa swab tests kapag maaprubahan.

“Right now we can say that once approved, it can substitute.” ani Dr. Michael Tee, lead researcher ng PRC, noong Martes.

Subalit, nilinaw ni Tee na hindi lahat ng laboratoryo ay may kapabilidad na makapagsuri ng saliva samples.

“Note that the saliva testing is only for the Sansure machine… So, the validation study done by Red Cross is specific for this machine, and whoever has the machine and partners with Red Cross may be able to use it as a service offering for our people for cheaper and more convenient testing,” paliwanag nito.

Ang mga may ibang machines ay maaaring ipa-require ng isa pang validation study, dagdag ni Tee.

Ayon naman kay PRC chairman Senator Richard Gordon, ang bawat saliva test ay tinatayang nasa ₱2,000, subalit sisikapin nilang ibaba pa umano ito.

Aniya, “Mas mura, mas mabilis, at hindi na kailangan ng PPE. Pwede kayong puntahan sa bahay…good for senior citizens na takot lumabas sa bahay.” 

Binanggit ng PRC na ang concordance sa pagitan ng saliva test at swab test ay 95%.

Nakikita ni Gordon na mas pipiliin aniya ng mga tao ang saliva test sapagkat ito ay mas mabilis, mas mura, at hindi masakit.

Isang milliliter ng saliva sample ang kukunin mula sa bawat tao. Magiging available aniya ang sample nang pitong araw kung kaya’t hindi na kinakailangan ng cold chain.

Nagsasagawa ang PRC ng saliva tests sa 1,000 frontliners – ang huling hakbang bago aprubahan ng Department of Health  (DOH) ang regular nitong paggamit.

LATEST

LATEST

TRENDING