Duterte at Gabinete, nais patawan ng sanctions ang teclo providers dahil sa child pornography

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang Gabinete ang pagpapataw ng sanctions sa internet service providers na hindi napigilan ang child pornography, kung saan dumoble ang mga naiuulat na insidente ngayong panahon ng pandemiya, giit ng isang opisyal noong Martes.

Sumipa ang transaction reports kaugnay ng online sexual exploitation mula 19,000 noong 2019 sa 47,937 noong 2020, nang sumailalim sa iba’t-ibang uri ng lockdown ang Pilipinas bunsod ng Covid-19 pandemic, sabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Inutusan ng Gabinete ang National Telecommunications Commission na magpataw ng sanctions laban sa internet service providers “for failure to fulfill their duty” sa ilalim ng Republic Act 9775 o ang Anti-Child Pornography Act of 2009.

Kabilang dito ang agarang pagbibigay alam sa mga mambabatas sa loob ng isang linggo kapag malamang ang serbisyo ng telcos ay ginagamit para sa child pornography, kung saan magbibigay ito ng detalye sa mga awtoridad tungkol sa users na sangkot sa modus, at pag-intercept at agarang pagharang sa access ng mga materyal, ani Nograles.

Nanawagan din ang Gabinete sa mga mambabatas para sa mga sumusunod:

  • Pagbibigay prayoridad sa passage ng bills na layuning i-exempt ang trafficking ng mga tao sa ilalim ng Anti-Wiretapping Law
  • Palawakin ang membership ng inter-agency council on child pornography, at palakasin ang ahensya sa pamamagitan ng karagdagng plantilla positions at funding
  • Magpataw ng obligasyon sa mga internet service providers at tourism establishments sa kampanya kontra “pagsira” sa child pornography.

“Hindi hahayaan ng gobyerno na madagdagan pa ang biktima ng sexual exploitation sa gitna ng kinakaharap nating pandemya,” wika ni Nograles.

Unang inihayag ni Sen. Sherwin Gatchalian ang balita tungkol sa news portal na Philippine Online Student Tambayan (POST), na nagsagawa umano ng  “Christmas sale” ng mga “sensual” na larawan at videos ng ilang estudyante upang kumita ng pera para makapag-aral.

“Lubhang naalarma” naman ang Department of Education (DepEd) tungkol sa POST report, at iginiit ng makikipag-ugnayan ito sa iba pang mga ahensya para tugunan ang problema sa pornography na kinabibilangan ng mga estudyante.

LATEST

LATEST

TRENDING