PH, nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong Covid-19 cases simula noong bago mag-Pasko

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) noong Lunes ng 2,052 additional Covid-19 cases, ang pinakamataas sa isang araw simula noong Disyembre 18, para sa kabuuang 489,736 cases sa bansa.

Nanguna sa listahan ng may pinakamaraming kaso ang Davao City sa 140, na sinundan naman ng Quezon City (93), Cavite province (87), Laguna (83), at Manila City (67).

11 naman ang bilang ng mga panibagong nasawi, para sa kabuuang 9,416 deaths.

10 ang mga bagong nakarekober mula sa nakamamatay na sakit para sa kabuuang 458,206 total recoveries.

Nasa 22,114 naman ang active cases, o 4.5 percent ng cumulative total. Sa datos na ito, 84.3% ang may mild symptoms, 5.6% ang asymptomatic, 6.2% ang nasa critical condition, 3.4% ang may severe symptoms, at 0.58% ang may moderate symptoms.

Ang karagdagang datos na nakalap noong Lunes ay hindi pa kinabibilangan ng datos mula sa tatlong laboratoryo na hindi nakapagsumite sa oras.

Inaasahan namang darating ang unang Covid-19 vaccine supply sa bansa sa susunod na buwan.

LATEST

LATEST

TRENDING