Gobyerno, imo-monitor ang severe Covid-19 vaccine side effects

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Habang maraming Pilipino ang mayroong agam-agam sa pagpapaturok ng Covid-19 vaccine, iginiit ni Health Secretary Duque III noong Lunes na mino-monitor ng pamahalaan ang posibleng malalang side effects pagkatapos ng vaccination.

Iprenesenta ng kalihim ang plano ng ahensya sa ginanap na Senate hearing tungkol sa Covid-19 vaccination plan. Sa ilalim ng post-vaccination monitoring and surveillance, ang nabakunahang tao ay hihikayating manatili muna upang ma-monitor ang agarang side effects. Magde-deploy din ng medical personnel sa vaccination area upang mabilis na makapagresponde sa emergency, tulad ng anaphylactic shock.

“Hindi muna pauuwiin ang mga nabakunahan dahil babantayan muna sila para sa adverse reactions sa loob ng 30 minutes and isang oras,” wika ni Duque.

Isasagawa rin aniya ang striktong post-monitoring sa mga tahanan. Dapat umanong agarang iulat ang mga masamang kondisyon sa provincial health officers na ipagbibigay alam naman sa national epidemiology surveillance units.

Ayon sa kalihim, ang mga pasyenteng may severe side effects ay agarang tutugunan, at isang detalyadong imbestigasyon ang dapat maisakatuparan sa loob ng 48 oras.

“Kahit ating sisiguraduhin ang kaligtasan ng ating mga bakuna, we must be prepared to respond to adverse events,” sabi nito.

Bago mabakunahan, pipirma muna ng isang consent form ang sasailalim sa vaccination at manonood ng video tungkol sa mga bakuna.

Binanggit din ni Duque na sinisikap ng Department of Health at iba pang mga ahensya ang pagbabalik sa tiwala ng publiko sa bakuna, na naapektuhan matapos ang dengue vaccine Dengvaxia controversy.

Batay sa isang inilabas na Pulse Asia survey kamakailan, 47% ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna kontra Covid-19 habang 21% naman ang hindi nakatitiyak.

LATEST

LATEST

TRENDING