Senate hearing tungkol sa gov’t Covid-19 vaccine plan, mag-uumpisa sa Enero 11

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Uumpisahan ng Senate committee of the whole ang pagdinig nito hinggil sa Covid-19 vaccine plan ng pamahalaan simula Lunes.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, ang pokus ng nasabing pagdinig ay ang plano ng gobyerno sa procurement ng vaccines para sa mga Pilipino.

Kabilang umano rito ang tanong kung bakit wala pa ring bakuna sa bansa, kailan at paano ito ipamamahagi, at paano ang storage para ng mga ito.

Ang pagdinig ay nag-ugat mula sa inilahad na privilege speech ni Senador Kiko Pangilinan noong Disyembre kung saan tinanong nito ang balak ng pamahalaan para sa mahigit ₱70 bilyong Covid-19 fund sa ilalim ng 2021 national budget.

Inaasahang dadalo sa naturang hearing sina vaccine czar Carlito Galvez at Health Secretary Francisco Duque III.

Nagkumpirma rin ng attendance sina Budget Secretary Wendell Avisado, Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña, at mga kinatawan mula sa Departments of Finance, Foreign Affairs, at Interior and Local Government.

LATEST

LATEST

TRENDING