Robredo, iginiit na ‘mali’ ang timing ng Cha-cha hearings

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Iginiit ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo noong Linggo na ang pagbabalik sa usapin ng charter change sa Kamara ay “mali” ang timing habang nasa gitna pa ng Covid-19 pandemic ang bansa.

Ipinag-utos ni House Speaker Lord Allan Velasco ang pagpapatuloy ng talakayan tungkol sa amendments ng economic provisions ng Saligang Batas upang matulungang makarekober mula sa epekto ng pandemiya ang bansa.

Subalit, idiniin ni Robredo na sa halip na charter change, ang kailangan umano ng Pilipinas ay suporta sa pamamagitan ng palisiya mula sa parehong executive at legislative branches ng pamahalaan.

Aniya, “Ito na iyong sinasabi natin na kahit noong nag-uumpisa pa lang iyong pandemic, ang dami nating inasikasong kung ano-ano na hindi naman related sa pandemic. Ito iyong dahilan kung bakit maraming mga Pilipino iyong naghihirap ngayon.”

“During the pandemic, nakapasa tayo ng Anti-Terror Law. During the pandemic, napasara iyong ABS-CBN. Tapos ngayon na naman magcha-Charter Change tayo during the pandemic. Parang hindi pa ba tayo natututo?” dagdag pa ng pangalawang pangulo.

Hindi aniya solusyon ang charter change sa mga problemang kinakaharap ng party-list system na pinaghaharian ng mga makapangyarihang personalidad sa halip na mga miyembro ng marginalized sector, ani Robredo.

“Masyadong naabuso. Halimbawa, maraming mga mayayaman, maraming mga hindi naman talaga kasali sa sektor, na para lang ma-perpetuate sa kapangyarihan, gumagawa ng sariling grupo,” paliwanag nito.

Dagdag pa, “Iyong mga nagde-desire na nasa power kahit hindi naman nila nire-represent iyong marginalized sector, iyon iyong namamayagpag. Para sa akin okay ako na hanapan iyon ng solusyon, pero hindi ito iyong solusyon.”

LATEST

LATEST