Pulis na namaril ng mag-ina sa Tarlac, naghain ng not guilty plea sa kaso ng murder

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Naghain ng not guilty plea si Jonel Nuezca, ang pulis na namaril sa kanyang mga kapitbahay na sina Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Tarlac, sa isinampang mga kaso ng murder laban sa kanya, pahayag ng abogado ng pamilya Gregorio.

Sinabi ni Atty. Alfredo Villamor, isa sa mga abogado ng pamilya Gregorio, na not guilty plea ang inihain ni Nuezca sa ginanap na arraignment noong Enero 7. Subalit, wala nang iba pang detalye ang inilalahad tungkol dito.

Noong Disyembre 20, pinagbabaril sa ulo ni Nuezca ang 52-anyos na si Sonya at ang 25-anyos nitong anak na si Frank Anthony sa Paniqui, Tarlac matapos ang mainit na sagutan sa pagitan ng dalawang panig.

Nahaharap ang pulis sa dalawang counts ng murder bunsod ng insidente, na nakuhanan ng video at nag-viral kinalaunan. Nanawagan naman ang ilang mamayan para sa pagreporma sa kapulisan at sa sistemang pangkatarungan sa bansa.

Samantala, naniniwala naman si Villamor na malakas ang kanilang kaso laban kay Nuezca bagama’t naghain ng not guilty plea ang akusado.

LATEST

LATEST

TRENDING