Cebu City, isinusulong ang mas striktong quarantine protocols matapos mag-spike ang Covid-19 cases sa lugar

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: John Rey Saavedra (PNA)

Humihiling ang mga opisyal ng Cebu City para mas mahigpit na health and safety protocol matapos sumipa ang bilang ng Covid-19 cases sa lugar sa loob lamang ng dalawang linggo.

Ayon sa datos mula sa Department of Health Central Visayas, mayroong 81 cases noong Disyembre 27, subalit bigla itong pumalo nang 331 noong Enero 9. Kabilang sa mga bagong nahawa ang ilang medical healthcare workers.

Ayon sa local health officials, posibleng naging dahilan ng biglaang pag-akyat sa Covid-19 cases ay ang mga pagtitipon noong holiday season, habang may naiuulat namang mga kaso sa mga opisina.

Single-digit lamang ang naging pagtaas ng mga kaso noong Nobyembre at Disyembre, hanggang sa Disyembre 29 nang umabot sa 16 ang bilang ng mga kaso. Mula Enero 1 hanggang 9, nasa pagitan ng 11 hanggang 54 bawat araw ang bilang ng pagtaas sa mga kaso.

Sinabi naman ni Cebu City Councilor Joel Garganera, Deputy Chief Implementor ng Emergency Operations Center, na irerekomenda nila kay Mayor Edgardo C. Labella ang pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine passes kabilang ang curfews at checkpoints.

Aniya, “We are trying to resuscitate our economy by trying to be lenient in some aspects of the protocols but it seems people are not being compliant.”

Ayon kay Garganera, hindi dapat mangamba sapagkat hindi pa naman “alarming” ang pag-akyat ng mga kaso.

“It is (only) alarming if our healthcare system is overwhelmed and cases are not being attended to,” dagdag pa nito.

Inihayag naman ng Vicente Sotto Memorial Medical Center, ang pinakamalaking ospital sa rehiyon, na umakyat ang Covid-19 cases mula sa kanilang staff.

Mula sa 18 noong nakaraang linggo, pumalo na ito sa 33 cases, pahayag ni Dr. Mary Jean Loreche, DOH-7 spokesperson.

Samantala, ang biglaang pagtaas ng mga kaso ay nag-udyok sa mga opisyal na kanselahin ang virtual Sinulog Festival o pre-recorded performances para sa Enero 17, kung saan balak itong ilipat sa Abril kasabay nang selebrasyon para sa 500 years ng Kristiyanismo sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING