Queen Elizabeth at Prince Philip, nabakunahan kontra Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Queen Elizabeth II at Prince Philip, Duke of Edinburgh
Kuha ni: Steve Parsons (PA)

Nabakunahan na kontra Covid-19 ang mag-asawang sina Queen Elizabeth II at ang Duke of Edinburgh na si Prince Philip, ayon sa tagapagsalita ng Buckingham Palace noong Sabado.

Ang naturang pagbabakuna ay isinagawa ng isang doktor sa Windsor Castle, ayon sa isang royal source.

Upang maiwasan ang inaccuracies at espekulasyon, nagpasya ang 94-anyos na si Queen Elizabeth na isapubliko ang kanyang vaccination. Si Prince Philip naman ay 99-anyos na.

Noong Marso, nagpostibo ang kanilang anak na si Prince Charles sa Covid-19 kaya’t nag-isolate ito. Sinabi naman ng 72-anyos na prinsipe na swerte siya sapagkat mild symptoms lamang ang kanyang naranasan.

Samantala, ang apo naman ng mag-asawa na si Prince William, second-in-line sa British throne, ay nagpositibo rin sa Covid-19 ngayong taon, ayon sa UK media, bagama’t hindi pa malinaw kung saan siya nahawa sa nakamamatay na sakit.

Nakapagtala na ang UK ng mahigit 3 milyong Covid-19 cases kung saan mahigit 80,000 na ang nasawi, ayon sa datos mula Johns Hopkins University noong Sabado.

Sa London, nagdeklara na ang alkalde nito ng “major incident” noong Biyernes, kung saan nagbabala itong posibleng hindi makayanan ng mga ospital sa lungsod ang dami ng Covid-19 cases.

“The situation in London is now critical with the spread of the virus out of control,” pahayag ni Mayor Sadiq Khan.

“The number of cases in London has increased rapidly with more than a third more patients being treated in our hospitals now compared to the peak of the pandemic last April.

“We are declaring a major incident because the threat this virus poses to our city is at crisis point,” dagdag pa nito.

“If we do not take immediate action now, our [National Health Service] could be overwhelmed and more people will die,” pagbibigay diin ng opisyal.

LATEST

LATEST

TRENDING