Publiko, hinikayat na magtiwala sa mga eksperto tungkol sa Covid-19 vaccine drive

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: The Scientist Magazine

Hinikayat ng isang pro-vaccination group noong Linggo ang publiko na pagkatiwalaan ang mga medical experts matapos mapag-alaman sa isang survey kamakailan na halos kalahati ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna kontra Covid-19.

Ang agam-agam ng publiko ay dulot aniya ng misinformation o “fake news,” ayon kay Dr. Lulu Bravo, executive director ng Philippine Foundation for Vaccination.

Aniya, “‘Yung agam-agam ng tao, unti-unti ‘yan makikita mong mawawala kung pati ang ating mga experts, kagaya ko, ‘pag dumating ang bakuna aba’y magpapaturok ako… Bawat araw na wala tayong bakuna eh dumadami ang nasasawi.”

“Maniwala tayo sa mga tunay na eksperto,” dagdag pa nito.

LATEST