PH Red Cross, magsasagawa ng 1000 saliva Covid-19 tests

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Philippine Red Cross chairman Sen. Richard Gordon

Magsasagawa ang Philippine Red Cross (PRC) ng 1,000 saliva Covid-19 tests simula Lunes bilang kabahagi ng isang pag-aaral, pahayag ng isang opisyal noong Linggo.

Ang mas murang Covid-19 test ay mayroon aniyang “95 percent concordance rate” sa RT-PCR test, wika ni Dr. Paulyn Ubial, pinuno ng PRC biomolecular laboratories.

Iprenesenta ng PRC ang proposal na ito sa Department of Health (DOH) noong Oktubre subalit ngayong buwan lamang nakatanggap ng feedback.

“At ngayon, pinapayagan nila tayo ilabas yung 1,000 additional samples na gagawin po natin simula kay Sen. (Richard) Gordon as our pilot implementation next week, umpisa ng Monday,” ani Ubial.

Dagdag pa nito, “Hopefully, makuha natin ang 1,000 samples at ma-send natin sa Department of Health next week.”

Ayon naman kay Gordon, chairman of the PRC, magiging “relieved” ang PhilHealth dahil sa paggamit ng mas murang Covid-19 tests. Lumobo na naman sa halos P1 bilyon ang utang ng PhilHealth sa PRC.

“Marami silang dinadahilan. Ito, imbis na P4,000 ang bayad, magiging P2,000 na lang. Baka ibaba pa natin yan kung talagang marami,” sabi ni Gordon.

Binanggit naman ni Gordon na nagbigay ng partial payment nang P265,000 ang PhilHealth noong nakaraang linggo, para sa balanseng aabot pa sa P651 milyon.

LATEST

LATEST

TRENDING