Pamahalaan, hinikayat na payagan ang pribadong sektor na bumili ng Covid-19 vaccine at tax-free

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nakabinbin sa Kamara ang ilang panukalang layong pahintulutan ang mga pribadong negosyo na bumili ng Covid-19 vaccines nang walang import duties at taxes.

Inihain ngayong linggo ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang House Resolution No. 1453, na naghihikayat sa national government na bigyan ng awtoridad ang pribadong sektor na bumili ng mga bakuna kontra Covid-19 para sa kanilang mga empleyado at pamilya alinsunod sa “right to health” ng mga Pilipino.

Sa isang press statement noong Huwebes, sinabi ng Cagayan de Oro City representative na dapat i-tap ang pribadong sektor sapagkat hindi aniya sapat ang ₱72.5 bilyong badyet na inilaan ng pamahalaan para bakunahan ang lahat ng mga Pilipino.

Layunin ng pamahalaan na makatiyak ng 148 milyong doses ng Covid-19 vaccines mula sa tinatayang nasa pitong kumpanya ngayong taon. Kung maisasakatuparan ito, tinatayang nasa 50 hanggang 70 milyong Pilipino ang mababakunahan sa dulo ng 2021, kung saan milyun-milyon pa rin ang maiiwang walang imuunity.

Inihain din ni Rodriguez ang House Bill No. 8301, na layong i-exempt ang mga binili ng pribadong sektor mula sa import duties, value added tax, excise tax, at other fees. Tanging mga bakuna lamang na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang makakapasok sa bansa.

“Many private companies have expressed interest in acquiring and purchasing vaccines for their employees and their dependents to move towards higher productivity and income for their personnel,” ani Rodriguez.

Kasalukyan nang nakapagtiyak ang gobyerno ng 2.6 milyong doses ng Covid-19 vaccine mula sa AstraZeneca sa pamamagitan ng private sector donation na nakapaloob sa isang tripartite agreement.

Mahigit dalawang milyong karagdagang doses ang inaasahan namang bibilhin para sa ikalawang batch, kung saan mahigit 200 kumpanya ang mag-aambagan.

LATEST

LATEST

TRENDING