Mga eksperto, nagbabala tungkol sa posibleng spike ng Covid-19 cases matapos ang Pista ng Nazareno

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Angie de Silva (Rappler)

Nagbabala ang ilang mga eksperto tungkol sa posibleng pagsipa sa bilang ng Covid-19 cases matapos dumagsa ang libu-libong deboto sa Quiapo noong Sabado upang gunitain ang Pista ng Itim na Nazareno.

Sa isang tweet noong Sabado, inihayag ni Dr. Tony Leachon, dating adviser para sa Covid-19 Task Force, na “nangangamba” siyang ang spike ay posibleng mauwi sa mas striktong quarantine protocols.

Aniya, “I’m sorry. We know that social distancing violations will lead to increased number of cases. Our faith is not proven by physical presence only.”

“God will not look over for our attendance on this once a year event but for scars of sacrifice & love of humanity,” dagdag pa nito.

Unang umapela naman si Department of Health (DOH) adviser Dr. Edsel Salvana sa mga deboto na iwasan ang pisikal na pagdalo ng misa sa Quiapo Church.

“We’re really going to need a miracle to stop a superspreader event in Quiapo right now. Please don’t go. Aren’t we supposed to watch out for each other? Putting others at risk is about as un-Christian as it gets,” ani Salvana.

Naglabas din ng pahayag ang ahensya noong Sabado na nagbibigay abiso sa mga dadalo ng physical masses na bawasan ang interkasyon, lalo na sa bulnerableng miyembro ng tahanan, at magsagawa ng active self-monitoring para sa anumang sintomas.

Ang bilang ng mga dumagsang deboto para sa Pista ng Itim na Nazareno ay umabot sa kabuuang 400,000 noong 9:30 a.m., ayon sa estimate ni Manila Police chief Leo Francisco.

Ayon naman sa Manila city government, tinatayang nasa 10,690 ang bilang ng mga deboto noong 2 p.m.

Sinabi naman ng Quiapo Church officials na ang onsite attendance ay limitado lamang sa 400 deboto bawat misa. Hinikayat din nito ang mga deboto na mariing sundin ang health protocols at i-fill out ang contact tracing forms.

LATEST

LATEST

TRENDING