Sinopharm Covid-19 vaccine, may 73 side effects ayon sa news report mula Taiwan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Dr. Tao Lina

Inihayag ng isang Taiwanese news website na ang Covid-19 vaccine ng Chinese firm na Sinopharm ang “most unsafe in the world.”

Subalit, idiniin ng isang opisyal ng Pilipinas at vaccine expert na ang mga ganitong konklusyon ay dapat nakabase sa datos ng agham.

Naibalita noong Miyerkules ng Taiwan News ang sinabi ng Shanghai-based vaccine expert na si Tao Lina, na iginiit na mayroon aniyang nakalistang 73 side effects o adverse reactions sa instruction manual ng Sinopharm. Kabilang dito ang high blood pressure, kawalan ng bisyon at kawalan ng paningin. Habang nagbibiro ang mga doktor tungkol sa mahabang disclaimer, idiniin ni Tao na hindi maaaring kasuhanan ng mga pasyenteng makararanas ng side effects ang pharmaceutical firm na pag-aari ng pamahalaan ng China.

Isa ang Sinopharm sa mga Covid-19 vaccine frontrunners. Nasa limited use na ang nasabing bakuna sa China, United Arab Emirates at Bahrain. Sinasabi ng kumapnya na mayroon itong 79% efficacy rate laban sa Covid-19.

Naiulat din na ang nasabing bakuna ng Sinopharm ay ginamit sa pagbabakuna sa mga miyembro ng Presidential Security Group bagama’t hindi pa inaapruabahan sa Pilipinas.

Binanggit din ng Taiwan News article na si Tao ay nagtatrabaho para sa Shanghai Center for Disease Control and Prevention (SCDC) at ang kanyang ipinost sa Weibo, isang Chinese microblogging site, ay binura ng mga awtoridad.

Samantala, nang tanungin para magbigay ng reaksyon tungkol sa naturang balita, sinabi ni Philippine Food and Drug Administration Director General Eric Domingo na: “If and when they submit an application for EUA [Emergency Use Authorization], all safety concerns will be closely looked into by our experts. As they do for all applications.”

Ayon naman kay Dr. Lulu Bravo ng Philippine Foundation for Vaccination, dapat munang tumingin sa datos ng siyensiya bago magpahayag ng konklusyon.

Aniya, “If there is no data, then conclusions cannot be made.”

“But safety is always a prime concern! No one will approve an unsafe vaccine,” dagdag pa ni Bravo.

Nagbabala rin ang eksperto kontra sa pagsusuri ng scientific data sa pamamagitan ng online media dahil sa talamak na fake news.

Ang iba pang side effects na binanggit sa manual na ipinost sa Weibo ay pananakit, pamamaga, at pangangati sa nabakunahang parte ng katawan. Binanggit din sa manaual ang headache, fever, muscle pain, hirap sa pagginhawa, at diarrhea bilang common “systemic adverse reactions.”

Kasama naman sa “occasional” effects ang anorexia at pagsusuka, habang ang “very rare” effects naman ay asthma, tonsillitis, eye pain, vision loss, earache, high blood pressure, urinary incontinence at delayed menstruation.

LATEST

LATEST

TRENDING