Pacquiao, pinanatili ang pabuyang P500k para sa mga suspek sa Dacera case

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Sen. Manny Pacquiao

Hindi binawi ni Sen. Manny Pacquiao noong Biyernes ang iprenesenta nitong P500,000 na pabuya para sa pagdakip sa mga indibidwal na nakasama ng pinatay na flight attendant na si Christine Dacera noong Bagong Taon.

Ang nasabing reward money ay magiging “financial aid” aniya para sa pamilya ng nasawi kapag ang lahat ng persons of interest ay mag-“voluntarily surrender” sa mga imbestigador, pahayag ni Pacquiao.

Aniya, “Mananatili ang aking itinakdang pabuya na nagkakahalaga ng P500,000 upang matunton ang iba pang mga sangkot sa kasong ito.”

“Let it be clear however that this bounty was put up only to ensure that all the people who were present on the night leading to the discovery of Christine’s lifeless body would come forward and shed light about this incident.”

“They must submit themselves to investigating authorities so that we will know what really happened,” dagdag ng senador.

Naunang hinikayat ng apat na persons of interest, tungkol sa pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant, si Pacquaiao na bawiin ang P500,000 na pabuya, sapagkat naapektuhan aniya ng naturang reward ang kaligtasan at seguridad nila.

“Considering nga may mga sumusunod sa kanila, merong mga nagsu-surveillance or nagvi-video sa labas ng bahay nila. So, we are appealing to them na i-recall po ‘yung bounty talaga,” pahayag ng kanilang abogadong si Mike Santiago.

Dagdag pa nito, “We are willing naman, ‘yung mga kliyente namin na harapin at sagutin po ang reklamo na ito.”

Ayon kay Pacquiao, handa siyang tumulong sa pagtiyak sa seguridad sa mga boluntaryong magpe-presenta ng kani-kanilang mga sarili sa mga imbestigador upang bigyang linaw ang pagkamatay ni Dacera.

Aniya, “Nakahanda po akong tumulong upang matiyak ang inyong kaligtasan dahil ako ay naniniwala na gaya ninyo at ng pamilya ni Christine, ang tangi nating hangad ay ang malaman ang tunay na katotohanan. We all want to know the truth.”

“Sabihin ninyo sa tunay na nangyari upang mabawasan na ang mga haka-haka tungkol sa kasong ito. Wala pong dahilan upang kayo ay matakot kung kakampi ninyo ang katotohanan,” giit ni Pacquiao.

Apat sa sampung lalaking naki-party kasama ni Dacera noong Disyembre 31 ang sumuko sa mga awtoridad at nagpaunlak ng panayam sa media. Sinabi ng mga ito na posibleng namatay ang flight attendant dahil sa natural causes.

LATEST

LATEST

TRENDING