Hindi bababa sa 250 kumpanya sa bansa, nag-order ng AstraZeneca Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Aabot sa 250 na pribadong mga kumpanya ang lumahok sa una at ikalawang pagbili ng Covid-19 vaccine mula sa British pharmaceutical firm na AstraZeneca, pahayag ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion. 

Higit tatlong milyong doses ang napabilang sa ikalawang order ng pangkat ni Concepcion na malapit nang lagdaan. Marami pa aniyang mga kumpanya ang nais humabol kung kaya’t posible pang magkaroon ng ikatlong batch ng orders para sa bakuna.

“Those who could not make it we told them to just list their names, baka sakali, down the road, baka may part 3. But that is totally uncertain,” wika ni Concepcion. 

Kalahati ng mga mabibiling mga bakuna ay mapupunta sa pamahalaan at ang iba naman ay ibibigay sa mga kumpanya.

Nais nila Concepcion na sana ay mapunta sa Kalakhang Maynila at mga karatig-lalawigan ang kanilang donasyon sapagkat sa mga lugar na ito matatagpuan ang may pinakamaraming Covid-19 cases sa bansa.

LATEST

LATEST