Duterte, hinayaang maisabatas ang 5 franchise bills

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Hinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limang franchise bills na maisabatas, ayon sa journal ng pamahalaan.

Pinalawig ng nasabing mga batas nang 25 taon ang operating licenses ng mga sumusunod, base sa Official Gazette:

  • Republic Act 11512 – Caceres Broadcasting Corp
  • Republic Act 11513 – Century Communications Marketing Center, Inc
  • Republic Act 11514 – Tandag Electric and Telephone, Inc
  • Republic Act 11515 – Davao Light and Power, Inc 
  • Republic Act 11516 – Negros Broadcasting and Publishing Corp

Ang mga panukalang batas o bills ay naisasabatas kapag naaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso at pinirmahan ng pangulo. Puwede ring i-veto ng presidente ang isang bill, subalit maaari pa rin itong isabatas ng Kamara sa pamamagitan ng two-thirds vote, ayon sa Official Gazette. 

Kung hindi naman aaksyunan ng pangulo ang panuakalang batas na isinumite ng Kongreso, kusa itong maisasabatas makalipas ang 30 araw mula sa pagkakatanggap nito.

LATEST

LATEST