DOST, hinikayat ang publiko na magtiwala sa desisyon ng FDA tungkol sa Sinopharm vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Dapat uamnong pagkatiwalaan ng publiko ang drug regulator ng bansa kung papahintulutan nito o hindi ang lokal na paggamit ng Sinopharm Covid-19 vaccine galing China, giit ng Department of Science and Technology (DOST) noong Biyernes.

Kamakailan ay ibinalita ng isang Taiwanese news website na ang nasabing bakuna ay itinuturing na “most unsafe in the world.”

Iniulat din ng ilang media reports na may mababang efficacy rates ang Sinopharm Covid-19 vaccine kumpara sa ibang brands.

“Hindi naman po siguro bibigyan ng go signal ng FDA kung mayroong ebidensya na hindi siya karapat-dapat,” ani DOST Secretary Fortunato Dela Peña.

Dagdag pa nito, “Magtiwala po tayo sa ating FDA na siyang nakakaalam kung papaano ika nga ang basehan para bigyan ng emergency use authority o ng talagang permiso to market.”

Ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang nabakunahan na kontra Covid-19 gamit ang Sinopharm vaccine, na hindi na aprubado ng Food and Drug Administration.

LATEST

LATEST

TRENDING