QC, nakikipag-usap sa iba pang pharma firms para sa pagbili ng mas maraming Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Quezon City Hall

Nakikipagpulong ang Quezon City sa iba pang pharmaceutical firms para sa pagbili ng mas maraming Covid-19 vaccines mulsa sa ibang sources, ayon sa isang opisyal ng lungsod noong Biyernes.

“Definitely, we just can’t rely on one. We’ve been talking to a number [of pharmaceutical companies] already,” ani Joseph Juico, co-chair ng Quezon City Task Force on Covid-19.

Ito ay matapos bumuo ang city government ng tripartite agreement sa National Task Force Against Covid-19 at AstraZeneca para sa advance purchase ng tinatayang nasa 750,000 doses ng bakuna kontra Covid-19.

Ayon kay Juico, ang hakbang ay kabahagi ng kanilang localized vaccine road map, na layong pabilisin ang vaccine rollout ng siyudad.

Una nitong sinabi na naglaan ang Quezon City ng inisyal na P1 bilyon mula sa 2021 badyet nito para sa pagbili ng mga bakuna at iba pang suplay na gagamitin sa vaccination.

Batay sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO), bibigyang prayoridad ng Quezon City ang medical workers, may edad, persons with disabilities (PWDs), indigent families, essential workers at uniformed personnel.

Nagsagawa rin ang health authorities ng lungsod ng ocular inspection sa possible storage facilities ng mga bakuna. Isinasapinal na rin ng lokal na pamahalaan ang listahan ng mga inoculation centers sa siyudad, na siyam, kabilang ang tatlong ospital.

“We’re trying to move as quickly as possible just in case a vaccine arrives earlier than expected,” sabi ni Juico.

Magsasagawa rin ng information campaign ang LGU upang tugunan ang mga agam-agam ng publiko tungkol sa pagbabakuna.

“The number 1 reason why a good number of Filipinos are hesitant to be vaccinated is due to safety concerns so I guess we have to focus on that,” wika ni Juico.

Ibinunyag ng isang Pulse Asia survey kamakailan na 47 percent ng mga Pilipino ang nagsabing hindi sila magpapabakuna laban sa Covid-19.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) noong Enero 7, ang Quezon City ang may pinakamataas na Covid-19 cases sa bansa, sa bilang na 39,621.

LATEST

LATEST