OVP: Tiyakin muna ang Covid-19 vaccine supply, bago ang Cha-cha

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Inihayag ng tanggapan ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo noong Huwebes na dapat munang bigyang ng pamahalaan ng prayoridad ang pagtiyak ng Covid-19 vaccines bago ang pagsusulong ng charter change. 

Ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Sen. Francis Tolentino at Sen. Ronald Dela Rosa, ay naghain ng resolusyon para sa dalawang kapulungan ng Kongreso upang mag-convene bilang isang Constituent Assembly at talakayin ang pag-amyenda sa Saligang Batas, lalo na ang mga probisyon hinggil sa democratic representation at eknomiya.

“It’s amazing that even as we continue to struggle with COVID-19, lost jobs, and a shrinking economy, we have ‘leaders’ who still find ways to waste our people’s time and money,” ani Barry Gutierrez, spokesman ng Office of the Vice President (OVP).

Dagdag pa nito, “Pwede bang tiyakin muna natin na magkakabakuna ang bawat Pilipino bago mag aksaya na naman ng oras diyan sa ChaCha?”

Nakapag-secure na ang pamahalaan, sa tulong ng pribadong sektor, ng dalawang milyong doses ng Covid-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca. Isa pang order ng 3.7 milyong doses ang isanasapinal.

Samantala, wala pang bakuna kontra Covid-19 ang inaaprubahan para sa local use ang Food and Drug Administration (FDA) ng bansa.

Tinanggihan naman ng Malacañang na nais ng mga kaalyado ng pangulo na baguhin ang constitutional term limit ng mga opisyal, na magpapalawig sa termino ng presidente nang lagpas pa sa itinakda nitong pagwawakas sa Hunyo 2022.

“Tsismis lang po ‘yan,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque. 
 
Dagdag pa ni Roque, “The President has made it clear, wala po s’yang kahit anong kagustuhan na manatili ng isang minuto man lang beyond his term of office on June 30 of 2022.”

Ilang mga miyembro ng Kamara ang nagkasundo noong Miyerkules upang ibalik ang pagdinig sa charter change, kung saan magpopokus ang diskusyon sa amendements sa ilang economic provisions ng 1987 Constitution alinsunod sa resolusyong inihain ni House Speaker Lord Allan Velasco noong Hulyo 2019.

LATEST

LATEST

TRENDING