HK, nakapag-detect ng bagong Covid-19 variant mula sa isang Pinay domestic helper galing PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Dale de la Rey (Getty)

Ibinunyag  ng Hong Kong health officials noong Martes na nakapag-detect sila ng bagong United Kingdom Covid-19 variant mula sa isang pasaherong nanggaling sa Pilipinas noong nakaraang buwan.

Ayon kay Chuang Shuk-kwan, pinuno ng communicable disease branch ng Hong Kong Health Department, natuklasan nila ang bagong variant mula sa isang 30-anyos na babaeng residente na nanggaling ng Manila noong Disyembre 22 sa pamamagitan ng isang Philippine Airlines flight.

Ayon sa mga awtoridad ng Hong Kong, ang nasabing babae ay isang Filipina domestic worker, batay sa mga ulat ng dalawang lokal na pahayagan – ang Hong Kong News at The SUN Hong Kong. 

Ang naturang pasyente ay binigyan ng tag na case 9003.

“(Case) 9003 took PR 300 and arrived in Hong Kong on the 22nd of December from (the) Philippines,” ani Chuang.

Ayon naman sa Philippine Airlines, nagpresenta ang naturang pasahero ng negatibong Covid-19 test result bago ito sumakay ng eroplano. Ibinahagi rin ng air carrier ang passenger manifest information sa Bureau of Quarantine ng Pilipinas upang makapagsagawa ng contact tracing.

Bukod sa Pilipinang domestic worker na nanggaling ng Manila, natuklasan din ng Hong Kong health authorities ang tatlong karagdagang kaso ng bagong Covid-19 variant sa kanilang bansa. Dalawa sa mga ito ay nagmula sa London habang ang isa ay nanggaling naman ng France.

Ang bagong Covid-19 variant ay unang naiulat sa United Kingdom noong Disyembre 14 at ito ay pinaniniwalaang mas nakakahawa, ayon sa initial scientific studies.

Base sa nakolektang 305 samples noong Nobyembre at Disyembre, wala pa ang nasabing UK variant sa Pilipinas.

LATEST

LATEST