PH, pagdedesisyunan ang Pfizer vaccine emergency use application sa Enero 14

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Dado Ruvic/Illustration/Reuters

Inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) noong Miyerkules na posible nitong ilabas ang desisyon ukol sa emergency use application (EUA) ng Pfizer Covid-19 vaccine sa Enero 14.

“Kahapon, nagbigay ng konting katanungan yung ating mga eksperto na pinadala natin sa sa Pfizer. At binigyan ko sila ng 48 hours to reply and give the information requested by our panel. Pagkatapos nun, ibabalik sa akin ng January 10. And a few days after that, makakagawa na tayo ng desisyon sa kanilang aplikasyon,” ani FDA Director General Eric Domingo sa Laging Handa briefing.

Batay sa slide presentation ni Domingo, ipinapakita ang timeline para sa Pfizer na ang estimated date para sa desiyon ng ahensya tungkol sa EUA application ng kumpanya ay sa Enero 14.

Noong Miyerkules, sinabi rin ni Domingo na na nag-apply na para sa EUA ang Europe-based multinational firm na AstraZeneca.

Bukod sa pagkakaroon ng tripartite supply deal sa pribadong sektor at sa pamahalaan ng Pilipinas, nakikipag-ugnayan din ang AstraZeneca sa mga local government units na naghahangad magkaroon ng sariling vaccine supply.

“We are not taking long while waiting. And believe me, we are making this as quick as possible. And I’m quite sure, we’ll be out with the authorization within a week. That is quite short if you compare to other countries,” dagdag pa ni Domingo.

Ang Pfizer at BioNTech Covid-19 vaccine candidate ay isa sa mga unang nagdeklara ng efficacy rate kontra Covid-19. Sa efficacy rate na 95 percent, ang nasabing bakuna ay ginawaran din kinalaunan ng EUA ng Estados Unidos at United Kingdom.

Ang aplikasyon nito para sa EUA sa bansa ay ginawa noong Disyembre 24 at nag-umpisa ang evaluation noong Disyembre 28.

Gayunpaman, iginiit ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa parehong forum na posibleng hindi agad dumating ang mga suplay ng Pfizer vaccine.

Aniya, “Nakikita natin ang Pfizer ang most in demand na brand. Most likely magiging available po ito ng Q3 and Q4. With the challenges that they had hindi makakayanan ang early deployment.”

Ibinunyag din ni Domingo na ang Sinovac ng China at Gamaleya Institute ng Russia ay nagtanong na para sa requriements para sa posibleng emergency use ng kanilang mga bakuna sa bansa.

Kung maglabas na ang bansa ng kauna-unahang emergency use nito para sa Covid-19 vaccine, sinabi ni Domingo na naghahanda na ang mga awtoridad ng procurement para sa bakuna.

“Everything’s being prepared. Everything’s being ready for the rollout but securing the actual vaccines would probably take some more time even after the EUA,” sabi ng opisyal.

Ayon naman kay Galvez, nasa advance talks na ang pamahalaan sa Novavax, AstraZeneca, Pfizer, Johnson & Johnson, Sinovac at Gamaleya at posible aniyang makumpleto ang mga kasunduan sa dulo ng buwan.

LATEST

LATEST

TRENDING