FDA, maaaring magbigay ng “compassionate special permit” para sa PSG

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Posibleng mag-isyu ang Food and Drug Administration (FDA) ng special permits para sa paggamit ng Covid-19 vaccines para sa maliliit na grupo, tulad ng Presidential Security Group (PSG), ayon kay FDA Director General Eric Domingo noong Lunes.

Sinabi ng opisyal na posibleng bigyan ang PSG ng “compassionate special permit” habang walang emergency use authorization mula sa ahensya. Subalit, nilinaw nitong hindi ito maaaring maging epektibo sakaling mag-apply ang PSG sa susunod.

“Kahit po wala pang EUA [Even if there’s no EUA], we can do special permits for that,” ani Domingo sa isang pagpupulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa nito, “If it’s going to be a smaller group po, for example po ‘yung PSG, and of course priority naman po talaga nila na kayo ay proteksyunan.”

Nahaharap ang PSG sa iba’t-ibang imbestigasyon matapos maisapubliko na nabakunahan na ang mga miyembro nito ng Covid-19 vaccine noon pang Setyembre 2020, bagama’t wala pang inaaprubahang bakuna ang FDA sa bansa.

Iginiit naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang alam tungkol sa iligal na pagbabakuna, subalit nakahanda aniya itong depensahan ang kanyang security personnel – at ipinag-utos na huwag dumalo sa imbestigasyon ng Kongreso.

Aniya, “Do not force my soldiers to testify against their will. At huwag ninyong i-contempt-contempt na i-detain ninyo. I do not think it will be good for you and for me.”

Nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang Senado hinggil sa Covid-19 vaccination plan ng pamahalaan sa Enero 11. Subalit, pagdedesisyunan pa nito kung paiimbestigahan ang kontrobersyal na vaccination ng PSG.

LATEST

LATEST

TRENDING