Vergeire: Tanging nat’l gov’t lamang ang makabibili ng Covid-19 vaccines alinsunod sa EUA ng FDA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire

Habang mas maraming local government units ang naglalaan ng pondo para sa pagbili ng kani-kanilang suplay ng bakuna kontra Covid-19, iginiit ng Department of Health (DOH) noong Lunes na na tanging national government lamang ang makakapagbenepisyo mula sa emergency use authorization (EUA) na magmumula sa Food and Drug Administration.

Sinabi ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire na kinakailangang makapag-secure muna ang bakuna ng certificate of product registration (CPR) bago makapag-procure ang mga LGUs mula sa manufacturers. Sa ngayon, EUAs lamang ang ini-isyu ng FDA dahil kinukumpleto pa ng Covid-19 vaccines ang development phase.

Aniya, “Ang pwede pa lang bumili ay national government kasi EUA pa lang siya. Hindi pa mabibigyan ang mga bakunang ito ng CPR kasi hindi pa talaga technically tapos ang kanilang clinical trials. Hanggang trial 3 pa lang ang mga ‘yan.”

Hinikayat naman ng DOH ang LGUs na makipag-ugnayan sa national government, dahil pinangungunahan nito ang national vaccination program kontra Covid-19.

“Ang local governments ay hinihikayat ng national government to work with us because we can pool the funds and the national government can procure and we can have an effective distribution system… We can assure the local government that based on the prioritization list, kasama kayo lahat sa ating listahan,” giit ni Vergeire sa mga local chief executives.

Naglaan ang Lungsod ng Pasig City ng P300 milyon para sa Covid-19 vaccine procurement, giit ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong Lunes, at sinabing nakikipagnegosasyon aniya ang pamahalaang lokal sa iba’t-ibang pharmaceutical firms.

Ang mga lungsod ng Maynila at Makati ay naglaan din ng pondo para sa pagbili ng bakuna kontra Covid-19 para sa kani-kanilang mga residente.

LATEST

LATEST

TRENDING