Pasig City, naglaan ng P300-M para sa Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pasig City Mayor Vico Sotto
Kuha ni: Lisa Marie David (Rappler)

Naglaan ang Lungsod ng Pasig ng P300 milyon para sa Covid-19 vaccine procurement, giit ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong Lunes, at sinabing nakikipagnegosasyon aniya ang pamahalaang lokal sa iba’t-ibang pharmaceutical firms.

Aniya, “Sa ngayon po nakapaglaan kami ng roughly P300 million para makabili ng mga vaccines pero itong figure na ito maaari pang madagdagan.”

“Basta may FDA (Food and Drug Administration) approval okay naman po sa’min ‘yun. The higher the efficacy mas gusto natin ‘yun, kahit sino naman po siguro,” dagdag pa ng alkalde.

Bibigyang prayoridad aniya ng lungsod ang pagbabakuna ng mga health workers at senior citizens.

“Kung ilan po ang available sa market at kung ilan ang kaya ng budget, gagawin po natin. I assure everyone that we will be very transparent with our procurement process once may presyo na, kung ilan, anong brand,” paliwanag ni Sotto.

Ang mga lungsod ng Maynila at Makati ay naglaan din ng pondo para sa pagbili ng bakuna kontra Covid-19 para sa kani-kanilang mga residente.

Hinikayat naman ng Maynila ang mga residente nito na mag-pre-register para sa vaccination.

Naghahanda naman ang Pasig City para sa pag-spike ng bilang sa Covid-19 cases matapos ang holiday season.

“Nakita naman natin, steady decline ang nangyayari sa active cases natin ng COVID-19 pero nag-Pasko eh tsaka New Year so nakita natin pati sa ibang bansa tuwing may mga holiday, may 1, 2 or 3 weeks after talagang nagkakaroon ng spike,” dagdag pa ni Sotto.

LATEST

LATEST

TRENDING