Malacañang: ‘Mabuti’ kung totoo ang balitang nabakunahan ang 100k Chinese sa bansa kontra Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Presidential Spokesperson Harry Roque

Inihayag ng Malacañang noong Lunes na mabuti kung totoo ang naiuulat na tinatayang nasa 100,000 Chinese nationals sa Pilipinas ang nabakunahan kontra Covid-19.

Ayon kay anti-crime advocate Teresita Ang-See, nasa 100,000 Chinese workers umano ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs ang nakatanggap ng Covid-19 vaccines.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala siyang impormasyon ukol sa nasabing ulat.

“Pero kung totoo man, eh di mabuti—100,000 less possible carriers of the coronavirus,” ani Roque sa isang online briefing. 

Ayon naman kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana na wala siya sa “loop” tungkol sa nasabing balita.

Aniya, “We’ll see what we can find out.”

Sa kasalukuyan, wala pang inaaprubahang bakuna kontra Covid-19 ang Food and Drug Administration.

LATEST

LATEST

TRENDING